Katrina Halili FHM

Katrina Halili is calendar girl of FHM for 2006. Previously, she was also FHM Cover Girl for December 2005.

Ipinakilala na si Katrina Halili bilang 2006 Calendar Girl ng FHM magazine.

Ipinasilip din ang ilan sa nagseseksihan niyang litrato sa calendar. Siya rin ang cover nang nasabing magasin for December at ayon sa isang kaibigang nakakita na sa magasin, bawing-bawi ang male fans ni Katrina na matagal nang naghintay na mag-cover siya sa magasin.

Pero, madi-disappoint ang kanyang fans sa sinabi ni Katrina na hindi pa rin siya magpapa-sexy sa pelikula kahit nag-cover na siya sa FHM. Hindi pa rin niya kayang maghubad sa harap ng kamera.

Sa taping ng Darna, napansin naming conscious pa rin siya sa kanyang Black Darna costume dahil tuwing natatapos ang kanyang eksena’y, agad siyang nagsusuot ng bathrobe o kaya’y jacket.

Incidentally, itinuloy kaya ng isang beauty product ang pagpu-pull out kay Katrina as their newest image model/endorser dahil sa nasulat naming baka may nude pictorial ito sa FHM. Patanong ang aming pagkakasulat na ikinabahala ng kukuha sa kanya. Bakit hindi muna nila hintaying lumabas ang magasin saka sila mag-react?

[source:People’s Tonight article by Nitz Miralles]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *